Naniniwala ang political analyst na si Dr. Froilan Calilung na makatutulong sa pagpapaganda ng mga imprastraktura sa bansa ang pagtungo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Japan.
Ang pahayag ay ginawa ni Dr. Calilung sa Laging Handa public briefing.
Partikular na tinukoy ni Calilung ang North Commuter Railway kung saan malaki aniya ang posibilidad na mapalawak pa ang proyektong ito.
Kailangan lang aniyang malagdaan ang aniya umano’y 3-billion loan package o loan infrastracture development assistance na magmumula sa Japan.
Ayon pa sa professor, mahalagang maipagpatuloy ito para matiyak ang pagsulong ng imprastraktura na kakailanganin ng bansa para maging handa sa international investment.
Facebook Comments