South Korea – Dumating na ng South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tatlong araw na official visit.
Mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umalis ang pangulo kasama ang kanyang delegasyon dakong alas-12 ng hatinggabi lulan sa commercial plane at lumapag sa Incheon International Airport sa Seoul alas-5:20 ng umaga.
Sa kanyang departure speech, sinabi ni Duterte – malugod niyang tinatanggap ang imbitasyon ni South Korean President Moon Jae-in.
Sa kanilang bilateral meeting, nakatakdang pirmahan ang apat na kasunduan na nakatutok sa transportasyon, teknolohiya, imprastraktura at kalakalan.
manghihikayat din ang Pangulo ng mga negosyante na mamuhunan sa bansa.
bukod dito, makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community sa Grand Hilton Hotel and Convention Center.
Aabot sa 68,000 Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa South Korea.