OFFICIAL VISIT | PRRD, tutungo na sa Israel ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakda na ngayong araw ang pag-alis ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang isang linggong pagbisita sa Israel at Jordan.

Higit 150 Pilipinong negosyante ang kasama ng Pangulo sa official visit.

Pangungunahan ng Pangulo ang isang business seminar na dadaluhan ng malalaking kumpanya mula Israel at Pilipinas.


Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines rafael harpaz – looking forward sina Israel President Reuven Rivlin at Prime Minister Benjamin Netanyahu na makita ang Pangulong Duterte.

Aniya, lubos na nagpapasalamat ang Israel sa kabutihan ng Pilipinas matapos iligtas ang nasa 1,300 hudyo mula sa holocaust.

Inaasahan ding lalagda ng kasunduan sina Pangulong Duterte at Prime Minister Netanyahu na magpapalakas sa labor, science at investment.

Sa Jordan, makikipagpulong ang Pangulo kay Majesty King Abullah II.

Ang pagbisita ng Pangulong Duterte sa Jordan ay oportunidad para suklian ang pagbisita ng namayapang si King Hussein, na bumisita sa Pilipinas noong 1976.

Inaasahang aalis ang Pangulo mamayang 1:00 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at makakauwi ng Davao City sa linggo, September 9.

Kabilang sa mga kasama ng Pangulo ay si Executive Sec. Salvador Medialdea at ang anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Justice Sec. Menardo Guevarra ang itinalagang caretaker ng bansa habang nasa official visit ang Pangulo.

Facebook Comments