Ilang araw bago ang makasaysayang summit nina North Korean Leader Kim Jong-un at U.S. President Donald Trump, bibisita ngayong araw sa North Korea si Singaporean Foreign Minister Vivian Balakrishnan.
Sa isang statement, sinabi ng Ministry for Foreign Affairs ng Singapore na tutungo ng Pyongyang si Balakrishnan para sa isang official visit simula Hunyo 7 hanggang 8 matapos na imbitahan ni North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho.
Una rito, bumisita na rin si Balakrishnan sa Washington, kung saan nakipagkita siya kay U.S. Secretary of State Mike Pompeo at National Security Adviser John Bolton.
Inaasahan na pag-uusapan sa pagbisita ni Balakrishnan sa North Korea ang kalahatan tungkol sa pinakainaabangang summit.
Facebook Comments