
Arestado ang isang trentay uno anyos na OFW matapos ang ikinasang Buy Bust Operation laban dito sa bayan ng Lingayen.
Ang suspek ay nakilalang si Sherwin Viray residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas nuebe ng Gabi sa bahagi ng Brgy. Libsong West na nagresulta ng pagkakakumpiska sa suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu.
Inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments









