Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na matagal na dapat nagpatupad ang pamahalaan ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, bago pa man ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang pagpapadala ng mga Pinoy sa Kuwait at mayroon nang inihaing resolusyon sa kongreso para sa total ban ng pagpunta ng mga OFW sa nasabing bansa.
Paliwanag ni Roque, ilang beses nang nagsagawa ng pagdinig ang Kamara tungkol sa mga reklamong pang-aabuso sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa Kuwait.
Matatandaan na iniutos ni Labor Secretary ang suspension ng deployment sa Kuwait kasunod narin ng pagkamatay ng 7 OFW doon at napakadaming insidente ng pang-aabuso sa mga Filipino.