OFW DEPLOYMENT BAN | Bilyong dolyar na remittance kada-taon, mawawala sa bansa

Manila, Philippines – Mawawalan ng mahigit isang bilyong dollar ang Pilipinas sakaling gawing permanente ng pamahalaan ang deployment ban ng mga manggagawa sa bansang Kuwait.

Ayon sa migration expert and recruitment consultant na si Emmanuel Geslani, mayroong 270 libo na dokumentadong OFW sa Kuwait na ang remittance ay umaabot sa tatlong bilyong dolyar kada-taon kung saan 108 milyon dolyar kada-buwan ang ipinadadala ng mga OFW sa bansa.

Paalala ni Geslani sa pamahalaan, ang deployment ban ay maaari ring makasakit sa friendly relations and economic ng Pilipinas sa Gulf Countries gaya ng Saudi Arabia, Bahrain, United Arab Emirates, Qatar at Yemen kung saan ay naninirahan ang tinatayang 1.5 milyong Filipinos na nagdadala sa bansa ng halos 28-bilyong dolyar kada-taon.


Facebook Comments