OFW | Higit 1.2 milyong Pinoy, nangibang bansa ngayong taon

Manila, Philippines – Pumalo ng higit 1.2 million na Pilipino ang nagtatrabaho abroad ngayong taon.

Batay sa preliminary data ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nakapagpadala sila ng nasa 1,281,506 workers mula Enero hanggang Setyembre.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, III – inaasahan pa ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Pilipinong mangingibang bansa bago matapos ang taon.


Noong nakaraang taon, nilagpasan ang target na two-million total deployment sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa susunod na taon, naghahanda ang DOLE ng malaking pondo para sa repatriation ng mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa gitnang silangan partikular sa Lebanon, Saudi Arabia, Yemen at Qatar.

Facebook Comments