OFW hospitals sa buong bansa, isinusulong sa kamara

Inirekomenda sa Kamara ang pagtatatag ng OFW Hospital hindi lamang sa National Capital Region kundi sa lahat ng mga probinsya sa buong bansa.

Inihain nila CIBAC Partylist Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domeng Rivera ang Bagong Bayaning Filipino Hospital Bill na layong magtayo ng pagamutan na para lamang sa mga OFWs at kanilang mga dependents.

Giit ni Villanueva, nararapat lamang ang pagbibigay ng espesyal na benepisyo sa mga OFWs na malaki ang naibibigay na kontribusyon sa economic development pero hindi masyadong nabibigyang halaga ang kapakanan lalo na sa pagkakaroon ng access sa quality health care.


Tinukoy naman ni Rivera na nahaharap din sa iba’t ibang sakit sa kanilang mga trabaho sa abroad ang mga modern-day heroes na mga OFWs kaya nararapat lamang na pag umuwi ang mga ito ng bansa ay maibigay ang nararapat na pangangalaga sa kanila.

Sa mga pag-aaral ng Overseas Worker Welfare Association (OWWA)- Davao, lumalabas na karaniwang sakit ng mga OFWs ay hypertension, heart attack, breast, at ovarian cancers.

Facebook Comments