OFW mobile app, na-restore na – DMW

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang mobile app para sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs) ay naibalik na bagama’t maaaring tumagal pa ng kaunting oras upang ma-access.

Matatandaan na nagkaroon ng kaunting problema sa pag-access ng nasabing mobile application noong nakaraang mga araw.

Ayon sa departmento, naayos na ang problema tungkol sa pagtanggap ng one-time password authentication o OTP.


Nagkaroon ng mga aberya ang mobile app dahil hindi maipadala ng app ang OTP authentication sa 10 bansa kung saan sinusubok ng DMW ang system.

Bumabagal umano ang pag-download ng mobile app kapag marami at sabay-sabay na ina-access ng mga customer.

Ayon pa sa DMW na ang mga OFW sa Malaysia, Saudi Arabia, Singapore at United Arab Emirates ay maaari nang mag-avail ng kanilang mobile app pass.

Pinapayuhan ng nasabing departamento ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa na hintayin ang opisyal na anunsyo kung kailan magiging available sa kanila ang mga serbisyo ng mobile app.

Una nang binigyang diin ng DMW na ito at pilot testing pa lamang upang alamin kung paano mapapabuti ang paggamit sa DMW mobile app.

Facebook Comments