
Naharang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang balikbayan mula Kuwait.
Magbabakasyon sana sa bansa ang overseas filipino worker (OFW) ngunit inaresto dahil sa paggamit ng pekeng dokumento.
Kinilala ang suspek bilang isang 37- year old na empleyado sa Kuwait.
Ayon sa mga mga operatiba ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – National Capital Region (NCR) Southern Metro Manila District Field Unit, isinilbi nila ang standing warrant of arrest para sa kasong Falsification of Public Document sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code.
Agad naman siyang dinala sa kustodiya ng CIDG sa Fort Bonifacio, Taguig City para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng karagdagang proseso legal.
Samantala, mayroon namang inirekomendang piyansa na P36,000 para sa kaukulang kaso.









