OFW na gumamit ng pekeng identity, hinarang ng immigration officers

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport ang isang biktima ng human trafficking victim na gumamit ng identity ng ibang tao.

Ang naturang biktima ay mula sa Cotabato at pasakay sana ito ng Qatar Airways flight No. QR 931 patungong Doha, Qatar para magtrabaho bilang household service worker.

Nagduda ang immigration officers sa biktima nang maging paiba-iba ang pagsasagot nito sa mga tanong sa kanya hinggil sa kanyang personal details.


Kalaunan ay umamin din ang biktima ng kanyang tunay na pangalan at edad kung saan inamin nito na 24 taon lamang siya at hindi 27 anyos.

Ang biktima ay hawak na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa recruiters nito.

Facebook Comments