OFW na ina ng menor-de-edad na napatay ng mga pulis sa Navotas, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Rodaliza Baltazar, ang ina ng 17-anyos na binatilyo na napatay ng mga pulis sa Navotas dahil sa mistaken identity.

Si Rodaliza ay dumating sa bansa, mula sa Qatar at sinalubong ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon sa DMW, bibigyan nila ng ₱100,000 na financial assistance ang pamilya Baltazar.


Sasagutin din ng DMW ang burol at libing ng anak ng OFW.

August 2 nang mabaril ng mga pulis ang binatilyong si Jemboy, habang sakay ng bangka para sana mangisda.

Facebook Comments