Mula Hongkong, dinalaw ni Fai Tse o Philip Tse ang kasambahay na nag-alaga sa kaniya ng sa loob ng 19 na taon na si Remelyn Zubiaga Yumul, tubong Roxas City, nang malaman na may ovarian cancer na ito.
Simula sanggol palang si Tse ay inalagaan na siya ni Yumul kaya’t hindi siya nagdalawang isip na bisitahin ito upang palakasin ang kaniyang loob at magbigay suporta.
Nag-umpisa ito noong manakit na tila naninigas ang tiyan ni Yumul at napansing medyo lumaki ito.
Matapos ang dalawang linggo na hindi mabuti ang kalagayan ay nagpasuri na siya sa Yanchai Hospital sa Tsuen Wai.
Nang mapagalaman na siya ay may stage 4 ovarian cancer, kinailangan siyang operahan agad.
Umuwi si Yumul sa Pilipinas noong Marso 8 na may dalawang buwang bakasyon sa upang makapagpagamot.
Agad naman siyang nagpatingin sa Capiz Doctors Hospital. Inoperahan at nagsagawa ng unang chemotherapy.
Sa kasalukuyan, si Yumul ay 54 taong gulang na biyuda habang si Tse ay 31 taong gulang na ngayon.
Bagama’t 16 na taon nang hindi simula nung lumipat ng amo si Yumul, hindi pa rin makalimutan ni Tse ang kaniyang “che che” na nag-alaga sa kaniya ng 19 na taon at hindi nag-atubili na magbalik ng tanaw na loob.