OFW na Misis, Umuwi at Sumama kay Lover!

Sta. Teresita, Cagayan – Isang dating OFW sa Singapore na misis sa Sta. Teresita, Cagayan ang umuwi ngunit nakipagrelasyon sa ibang lalaki na kababayan pa ng asawa.

Sa ibinahaging impormasyon ng Investigation Section ng PNP Sta. Teresita sa RMN News Team, nakilala ang nagreklamong mister na si Elvin M. Lacar, 31 anyos at residente ng Pagudpod, Ilocos Norte.

Samantala ang misis ay nakilalang si Marion M. Lacar, 26 anyos at resisente ng Barangay Villa, Sta. Teresita, Cagayan at ang kalaguyo ay si Isidro Ramello residente ng Sitio Salinug, Barangay Alkir Vintar, Ilocos Norte.


Dumulog mismo sa himpilan ng PNP Sta. Teresita ang biktima noong March 1, 2018 upang ireklamo ang asawa kung saan taong 2015 umano ay nagtrabaho sa Singapore at hindi na bumalik sa kanilang sa kanilang tahanan sa Ilocos Norte.

Ngunit nalaman ni Elvin na kalagitnaan ng taong 2017 ay umuwi ang asawa at dumiretso sa Sta. Teresita kung kayat ginawa umano lahat ng biktima ang paraan para makausap at malaman ang dahilan ng hindi pag-uwi ng asawa sa kanilang bahay.

Bago natapos ang taong 2017 ay mismong sinabi na umano ni Marion kay Elvin na nagsasama na sila ni Isidro at apat na buwan nang buntis at ayaw nang makita ang asawa maging ang kanilang anak.

Dahil dito nagpasya umano ang biktima na kakasuhan nya ng adultery ang misis.

Ayon nman sa PNP Sta. Teresita iminungkahi nila sa biktima na mas mainam na magsampa ng kaso laban sa misis sa lugar kung saan sila ikinasal at sa lugar na mismo ng biktima.

Facebook Comments