Nakauwi na ng Pilipinas ang babaeng Overseas Filipino Workers (OFW) na na-stroke sa Hong Kong habang naghihintay na ma-renew ang kanyang employment visa doon.
Ang OFW na hindi muna pinangalanan ay sinamahan sa flight pabalik ng Pilipinas ng isa pang OFW.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), hindi muna nila pinauwi agad ng bansa ang Pinay hanggang walang permiso ng kanyang doktor.
June 6 nang mag-collapse ang OFW at isinugod ito sa ospital sa Hong Kong.
May nakaabang namang ambulansya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang dumating ang OFW na nasa stretcher.
Facebook Comments