OFW na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19, Tatanggap ng Financial Assistance mula sa OWWA

*Cauayan City, Isabela*- Ipagkakaloob ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang financial assistance para sa mga Overseas Filipino Workers sa ilalim ng ‘Abot Kamay ang Pagtulong’ (AKAP) Program.

Ayon kay Regional Director Luzviminda Tumaliuan, ito ay para sa mga ofw na apektado dahil sa banta ng corona virus o covid-19 matapos hindi na makabalik pa ng abroad o hindi na pinayagan pang makabalik ng kani-kanilang mga employer.

Paliwanag pa ng opisyal na ito ay ang mga balik-manggagawa na apektado ng krisis at nakabalik ng bansa noong Pebrero 3, 2020 at maaring makipag-ugnayan sa kanilang online website na dole-akap.owwa.gov.ph


Narito ang ilang Documentary Requiremnets to Pre-Qualify:

1. VALID PASSPORT or TRAVEL DOCUMENT with pages indicating personal data with photo and latest arrival in the Philippines 2. For REPATRIATED OFWs and BALIK MANGGAGAWA, copy of FLIGHT TICKET or BOARDING PASS evidencing return to the Philippines or ARRIVAL STAMP on the passport or sticker attached in the passport 3. PROOF OF OVERSEAS EMPLOYMENT, i.e. valid verified overseas employment contract, OEC, residence ID, visa or re-entry visa 4. PROOF of LOSS or TERMINATION of EMPLOYMENT on account of COVID-19, (i.e. notice of termination of employment or closure of the company issued by the foreign recruitment agency or principal/employer; Incident Report on the Termination of employment; Certification or Referral from Philippine embassy/ Consulate/ POLO/OWWA citing displacement due to COVID-19.
For QUALIFIED UNDOCUMENTED WORKER (UW) – proof that the UW or the employer has undertaken the necessary documentation process to regularize employment in the host country such as COPIES of EMPLOYMENT CONTRACT, PAY SLIP, WORK VISA, ACTIVE OWWA Membership at the time of repatriation or other badges of employment.

Sa ngayon ay patuloy na makipag-ugnayan sa OWWA Regional Welfare Office No. 02 Hotline Nos. 09367237093 / 09176326072 / 09189653746

Facebook Comments