OFW NA PANGASINENSE, UNANGFILIPINO CASUALTY SA MIDDLE EAST CONFLICT

Nasawi ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula sa Basista, Pangasinan matapos tamaan ng shrapnel mula sa isang bomba sa gitna ng air strike sa Israel noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Mary Anne Velazquez de Vera, 32 anyos, isang caregiver. Ayon sa ulat, nasawi si de Vera habang tinutulungan ang kanyang inaalagaan na makapunta sa bomb shelter nang maganap ang pag-atake.

Kinumpirma ng Pangulo, gabi ng Marso 01, ang pagkakakilanlan ng biktima ng kanyang asawa, na isa ring OFW na nagtatrabaho sa Israel.

Nagsimula ang serye ng air strike kung saan sangkot ang puwersa ng Amerika at Israel laban sa Iran, na nagdulot ng pangamba sa posibleng paglala at pagtagal ng sigalot sa Gitnang Silangan.

Patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang kalagayan ng mga Pilipinong nasa gitna ng umiigting na tensyon sa rehiyon, habang inaasahan ang karagdagang impormasyon hinggil sa sitwasyon.

Facebook Comments