
Arestado ang isang 45- year old na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na patungo sanang Hong Kong.
Ito’y matapos matukoy na may aktibong warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong syndicated illegal recruitment.
Ayon sa Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), nahuli ang pasahero sa departure area matapos makita ng mga BI personnel ang warrant na inilabas ng isang Regional Trial Court (RTC) sa Mindanao.
Walang inirekomendang piyansa sa kaso kaya agad itong inaksyunan sa pakikipag-ugnayan sa NAIA Police Station 3 para sa beripikasyon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.










