OFW na positibo sa COVID-19 at tumakas sa quarantine facility, nasa kustodiya na ng DOH-BOQ

Nasa kustodiya na ng Department of Health – Bureau of Quarantine (DOH-BOQ) ang OFW na tumakas mula sa quarantine facility at kalauna’y nag-positibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, na-isolate na rin ang lugar at ang mga taong posibleng nakasalamuha ng OFW habang naisagawa na ang lahat ng kinakailangang medical protocols.


Kasabay nito, nakiusap ang opisyal sa mga OFW na habaan ang pasensya sa paghihintay sa resulta ng kanilang COVID-19 test.

Matatandaang marami ng mga OFW ang nagrereklamo dahil ang iba ay mahigit 14 na araw na sa mga quarantine facility pero hindi pa makauwi sa kanilang pamilya dahil sa matagal na paglalabas ng kanilang mga test result.

Facebook Comments