Ofw Na Tinangkang Halayin Ng Amo Sa Ksa, Na-Rescue

0

MANILA – Matapos ma-rescue ng Filipino community leader sa Najran, Saudi Arabia, nakauwi na ang babaeng ofw na tinangkang halayin ng kanyang amo.Sinabi sa DZXL NEWS ng ofw leader na si Ronald dela Cruz na sa loob ng dalawampu’t apat na oras ay napauwi nila ng Pilipinas ang Pinay na si Ana Magleo, bente singko anyos.Si Magleo ay kasama na ng kanyang pamilya ngayon sa Bongabon, Nueva Ecija.Ayon kay dela Cruz, hindi na sila nagsampa ng kaso laban sa employer ng Pinay dahil nagmamadali na itong makauwi ng Pilipinas matapos makaranas ng matinding trauma.

Facebook Comments