OFW NA UMUWI SA BANSA SA GITNA NG PANDEMYA, TUTULUNGAN AT BIBIGYAN NG PANGKABUHAYAN AYON SA DOST REGION 1

Plano ngayon ng Department of Science and Technology Region 1 na tulungan ang mga umuwing Overseas Filipino Workers na makabangon sa buhay mula sa epekto ng pandemya.

Sinabi ni Armando Ganal, Regional Director ng DOST- 1, maraming mga OFW ang napilitang umuwi sa bansa at nakapagdesisyon na dito nalang manatili.

Bumuo naman ang DOST ng programa na “Innovation for Filipinos Working Distantly from the Philippines” na kung saan itoy isang programa na magbibigay ng pangkabuhayan sa mga umuwing OFW. Ito din umano ang kauna-unahang programang binuo ng DOST para sa mga OFW ngayong pandemya.


Magiging pilot area nito ay ang bayan ng San Manuel at Manaoag dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Samantala, sa tala naman ng OWWA Region 1 na sa buong Ilocos Region, mula March 18,2020 hanggang April 30, 2021, umabot sa 49,111 ang natulungan na makauwi na mga OFW at ang Pangasinan ay may pinakamaraming umuwi na may 21,450.

Facebook Comments