OFW, Nagbigti Habang Naka-live Video!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang OFW sa bansang Oman matapos itong magbigti sa loob ng kanyang kwarto kahapon.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Sangguniang Bayan Member Susan Duca ng San Mariano, nakipag-ugnayan na umano siya sa OWWA Region 2 maging sa Kapitan ng kanilang barangay upang humingi ng tulong kaugnay sa pagpapakamatay ni Analyn Laman na taga Brgy. Balagan, San Mariano, Isabela.

Makikita sa mismong kuhang video ni Analyn na inayos muna nito ang kanyang buhok bago tuluyang binigti ang sarili gamit ang tela na itinali sa ceiling fan sa loob ng kwarto.


Ayon naman sa panganay na anak ni Analyn ay wala naman umanong sinasabing problema ang kanyang nanay.

Sa ngayon ay sinusubukan nang ipaabot sa ahensya ni Analyn ang naturang insidente upang maasikaso at maiuwi na sa bansa ang bangkay nito.

Naulila ni Analyn ang tatlong anak at mister nito na nagtatrabaho bilang isang laborer sa Tuguegarao City.

Facebook Comments