OFW remittances, tumaas

Manila, Philippines – Tumaas ang OFW remittances sa bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, lumalabas sa latest BSP figures, 6.4% ang itinaasng personal remittances ng mga OFWs.

Mula January hanggang August ng kasalukuyang taon, nasa kabuuang $20.7 Billion o P1,035 Trillion pesos ang remittances na nipadala ng mga OFWs.


Ang OFW remittances ay 1/3 ng budget ng bansa kaya naman sa pagtaas nito ngayong taon patunay na nagagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang tungkulin nito.

Pinapakilos pa ang BSP, DOLE, DFA, DTI at iba pang ahensya ng gobyerno na tulungang protektahan ang mga pinaghirapang pera na kinita ng mga OFWs.

Facebook Comments