Lumago ang remittances mula sa overseas Filipino workers noong Setyembre, kasunod ng pagbaba nito noong Agosto.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang cash remittances o mga perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko at formal channels, ay tumaas sa $2.9 billion noong Setyembre, mula sa $2.7 billion noong Agosto.
Mas mataas ito ng 2.6% sa $2.8 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Naitala naman ang year-to-date cash remittances sa $24.494 billion, o 2.8% na mas mataas kumpara sa $23.825 billion sa unang siyam na buwan ng 2022.
Sinabi naman ng BSP na asahan pa ang patuloy pang pagtaas nito sa seasonal increase.
Facebook Comments