OFW sa Kuwait, dalawang taon na nakaratay sa ospital; humihingi ng tulong

99
Image via Angel Pahuwayan on Facebook

Ibinahagi ni Angel Pahuwayan ang mga larawan ni Jovelyn Mangosya kung saan siya ay nakaratay sa Al Adan, isang ospital sa Kuwait.

Ayon kay Angel, dalawang taon si Jovelyn sa ospital na may kalagayan na butas sa ulo, sa leeg dumadaan ang kaniyang kinakain at tanging mata lamang ang nakakagalaw.


Humihingi ng tulong si Angel sa mga nakakakilalang kamag-anak ni Jovelyn na tulungan siyang makalabas ng ospital at makauwi ng bansa.

Agad namang bumuhos ang simpatya sa mga komento ng kapwa pinoy kay Jovelyn. Sa mga nais tumulong, i-mensahe lamang si Angel D. Pahuwayan sa Facebook.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 916 reactions, 1,100 comments at 8,100 shares.

Facebook Comments

From Advertisers