OFW sa Taiwan, nasawi matapos mabuhusan ng asido sa hita

Image from Facebook/Deserie Castro Tagubasi

Labis na hinagpis ang nararamdaman ngayon ng pamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na uuwi sana ng Isabela ngayong Setyembre matapos siyang maaksidenteng mabuhusan ng asido sa pinagtratrabahuang factory sa Miaoli County, Taiwan.

Contributed footage

Namatay habang ginagamot sa Veterans General Hospital sa Taipei ang Pinay na si Deserie Castro Tagubasi, 29-anyos, residente ng Brgy. Lullutan, Ilagan City, sa lalawigan ng Isabela.


Matatapos na ang kontrata ni Tagubasi sa Chunan Science Park nang mangyari ang trahedya.

Pahayag ni Luzviminda Tumaliuan, OIC Regional Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Region 2, nakarating sa kanilang tanggapan ang sinapit ng factory worker noong Agosto 29.

Matapos mabalitaan ang insidente, agad nagpadala si Tumaliuan ng mga tauhan ng OWWA Region 2 sa tinitirahan ni Tagubasi para ipagbigay-alam sa kaanak nito.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, aksidenteng nabuhusan si Tagubasi ng hydroflouric acid sa kaniyang hita. Wala rin umanong foul play na naganap sa pagkamatay ng biktima sapagkat hawak nito mismo ang lalagyan ng asido.

Narito naman ang paliwanag ng kompanyang pinapasukan ng OFW:

“On Aug. 28, she had been wearing protective clothing, when the corrosive liquid had been jarred loose. When she turned around, the hydrofuoric acid poured out and splashed on the back on her lower legs, which were not covered by protective clothing, causing extensive burns to the back of her legs.

The factory staff immediately came forward to help, first smearing calcium gluconate gel onto the wounds and sent her to the hospital for emergency treatment.

After being transferred to the toxicology department of Veteran’s Hospital in Taipei, she was still unfortunately declared dead at 10 p.m. on Aug. 28.”

Pagtitiyak ng OWWA at Department of Foreign Affairs (DFA), magbibigay sila ng tulong sa naulila ni Tagubasi at uuwi ang labi nito sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments