OFW Serbisyo Caravan, dinala ni First Lady Liza Marcos sa Italy

Inilunsad ni First Lady Liza Marcos ang OFW Serbisyo Caravan sa Rome upang personal na dalhin sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.

Itinayo ang one-stop shop kung saan maaaring mag-avail ng mga serbisyo sa eGov app, kabilang ang passport, civil registry, SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, OWWA, at DSWD.

Mayroon ding alok na legal, business, at livelihood support para sa mga kababayan sa Italy.

Ibinida rin ni FL Liza ang mga hinabing produkto mula Aklan, na kinilala ng UNESCO bilang Intangible Cultural Heritage of Humanity dahil sa matandang tradisyong ipinapasa ng mga Aklanon sa bawat henerasyon.

Habang dumalo rin ito Jubilee 2025 Mass na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Bago ang pagpunta sa Italy, binisita rin ng Unang Ginang ang mga Filipino nurse at komunidad sa United Kingdom.

Facebook Comments