OFW TEACHER MULA SOUTH KOREA, NAGTAYO NG COMMUNITY LIBRARY SA KANILANG LUMANG BAHAY SA SISON PANGASINAN

Isang gurong OFW mula South Korea ang nagsilbing inspirasyon sa kanyang kababayan matapos niyang itayo ang Ylang-Ylang Readspark Library sa kanilang lumang bahay sa Barangay Cabaritan, Sison, Pangasinan.

Si Mary Ann Campos, founder ng Ylang Ylang Library, isang guro na nagtuturo sa Korea na nagsimulang mag-ipon ng mga lumang aklat na karaniwang itinatapon na roon.

Sa halip na hayaang mabulok ang kaalaman, ipinadala niya ang mga ito sa Pilipinas upang mapakinabangan ng mga batang estudyante at guro sa probinsya.

Hindi lang library ang itinayo ni Mary Ann, hindi pa man naitatayo ang naturang community library, nagdonate rin siya ng mga ilang school supplies at kahon-kahong libro sa ilang pampublikong guro, kabilang dito ang Principal III na si Sonia Mamaril.
Katuwang sa proyekto ang PanPacific University at ngayon itinalagang President ng Ylang-Ylang Library na si Dr. Engelbert Pasag na layuning mas mapalawak pa ang ganitong klase ng programa na madagdagan ang karunungan ng bawat kabataan.

Sa kasalukuyan, bukas ang Ylang-Ylang Library sa lahat ng nais magbasa, matuto, at mangarap. May plano rin umano silang gawing regular ang mga aktibidad sa nasabing community library.

Bukod pa dito nais nilang mapalaganap ang ganitong klase ng programa sa buong Pilipinas lalong lalo na sa lugar na may kakulangan sa silid aklatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments