Manila, Philippines – Isang mobile application na OFW Watch ang inilunsad na layong tulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ay sa gitna ng mga naiulat na mga kaso ng pagmamaltrato sa mga OFWS.
Ang OFW Watch ay maaaring magamit para malaman ang lokasyon ng mga OFW sa paligid.
Mayroon din itong SOS feature kung saan pwedeng maipahiwatig ng OFW kung nalalagay sila sa peligro.
Sinabi naman ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod, malaki ang tulong ng nasabing application para ma-trace ang mga illegal recruiters.
Maaaring idownload ang OFW watch sa app store at Google Play.
Facebook Comments