OFWs at kanilang pamilya, pinag-iingat ng OWWA sa mga nagpapanggap na tauhan ng ahensya

Pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya laban sa mga nagpapanggap bilang mga opisyal o empleyado ng OWWA.

Partikular ang mga indibidwal na nanghihingi ng pera kapalit daw ng tulong o mabilisang pagproseso ng loan, claims, o iba pang benepisyo.

Nagpaalala ang OWWA na hindi sila humihingi ng pera sa anumang transaksyon o serbisyo.

Hindi rin nakikipag-transact privately ang mga empleyado ng OWWA sa mga OFW o kanilang pamilya.

Nilinaw rin ng OWWA na ang mga opisyal na serbisyo ng ahensya ay idinudulog lamang sa mga opisyal na tanggapan, regional offices, at authorized help desks.

Pinapayuhan din ang publiko na mag-report sa OWWA hotlines kapag mayroon silang natanggap na kahina-hinalang mensahe, tawag, o email mula sa sinumang nagsasabing tauhan sila ng ahensya.

Facebook Comments