OFWs, hindi nagpapatinag sa NoKor threat; Paglipad patungong Guam ngayong linggo, tuloy!

Manila, Philippines – Hindi nagpapatinag sa banta ng North Korea sa Guam ang OFWs na nagtatrabaho sa nasabing US territory.

Ayon kay Jeanette Navarro, tuloy ang pagbalik niya sa Guam at ng kanyang mister ngayong linggong ito bagamat hindi pa sigurado kung tutuluyan na ngang aatras ang NoKor sa bantang missile attack sa nasabing bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Navarro na naka-monitor sila sa developments ng tensyon.


Umaasa rin aniya sila na tuluyan nang kakambyo ang North Korea sa planong pagpapakawala ng missile sa Guam.

Una nang kumambyo ang Pyongyang sa missile attack sa Guam at sa ngayon ay nakikiramdam ang NoKor sa galaw ng Amerika.

Samanatala, iginiit ng Department of Foreign Affairs na normal pa ang pamumuhay at sitwasyon ngayon sa Guam.

Facebook Comments