OFWs, maaari nang makakuha ng libreng gamot sa OWWA

Pormal nang binuksan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang botika para sa Overseas Filipino Worker (OFWs).

Sa OWWA Botika, maaari nang makakuha ang OFWs ng libreng gamot ng hanggang Php 20,000 kada taon.

Katuwang ng OWWA sa nasabing programa ang PhilHealth, at VidaCure na accredited ng PhilHealth para sa GAMOT Facility

Kada Biyernes naman mula 8AM–5PM ay maaaring mag-avail ng OFWs ng libreng medical consultations mula sa accredited doctors ng OWWA.

At ang resetang ibibigay sa Pinoy workers ay maaari nang kunin na libre sa Alagang OWWA Botika mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM–5PM.

Facebook Comments