OFWs na isinailalim sa PCR mass testing ng PCG, halos 3,400 na!

Umabot na sa kabuuang 3,391 na mga land-based at sea-based na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naisalang sa RT-PCR mass testing ng Philippine Coast Guard Medical Service.

Ayon sa PCG, habang hinihintay nila ang resulta ng naturang mga PCR testing at ang paglalabas ng quarantine clearance, hinihikayat nila ang lahat ng mga OFW na nasa quarantine facilities na manatili pa rin sa kanilang mga isolation rooms at ugaliing sumunod sa health protocols para sa kanilang kaligtasan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak ng PCG na sa sandaling makakuha ng quarantine clearance ang bawat OFW na naisalang sa PCR testing, agad silang makikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) para plantsahin ang pag-uwi ng mga ito sa kanilang mga pamilya.


Sa pagtaya ng PCG, mahigit 4,000 ang mga seafarers na nasa mga cruise ships sa Manila Bay at libo-libong iba pa ang nanatili sa mga hotel at resorts sa Luzon na nagsisilbi nilang quarantine facility.

Facebook Comments