Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng suspension ng entry visa ng Kuwait na makipag-ugnayan sa kanila.
Ito ay sa pamamagitan ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) hotlines na 09567821309 at 09603532532 o hindi kaya ay sa email nrco@dmw.gov.ph.
Tiniyak din ng DMW na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) gayundin sa Philippine Embassy sa Kuwait (PE-Kuwait) para maresolba ang naturang problema.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa recruitment agencies sa Pilipinas, gayundin sa Filipino communities at sa stakeholders hinggil sa kung paano mareresolba ang isyu.
Ang suspensyon ng Kuwait sa entry visa ng mga Pinoy ay kasunod ng kabiguan daw ng Pilipinas na tumalima sa ilang probisyon ng labor agreement sa pagitan ng dalawang bansa.