OFWs na magtutungo sa Singapore, hindi require magpabakuna – DOLE

Hindi nire-require na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na magtutungo sa Singapore.

Ayon kay Labor Attache in Singapore Saul De Vries, kasalukuyang nagpapatupad ng istriktong quarantine protocols ang gobyerno ng Singapore pero hindi kasama rito ang pagbabakuna.

Ang mga OFW na magtatrabaho sa Singapore ay dapat na dumaan sa 21-day institutional quarantine at tatlong beses na sumailalim sa RT-PCR test.


Nabatid na nasa 200,000 Pinoy ang nagtatrabaho ngayon sa Singapore.

Kamakailan lang din nang aprubahan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Singapore ang mahigit 200 job orders para sa mga vaccinator, na may buwanang sahod na 1,800 hanggang 2,000 Singaporean dollars o katumbas ng P63,000.

Facebook Comments