OFWs na malapit nang mag-expire ang visa sa abroad, target ng human traffickers sa Myanmar

Ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na may malapit nang mag-expire na working visa ang target ngayon ng human traffickers sa Myanmar.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), partikular na target ng sindikato ang OFWs sa Middle East.

Kabilang sa mga nabiktima ng human traffickers ang dalawang dating OFWs sa UAE na ni-recruit para maging customer service representative sa Thailand.


Sila ay pinangakuan ng buwanang sweldo na P48,000.

Gayunman, laking gulat aniya ng mga ito nang pagdating nila ng Thailand ay sinundo sila ng mga armadong foreign escort.

Bumiyahe anila ang mga ito ng 16 na oras bago isinakay sa bangka at nalaman na lamang nila na sila ay nasa Myanmar na pala.

Ilan din sa mga biktima ay nakaranas ng physical torture kapag hindi sila sumusunod sa pinagagawa sa kanila na online scam.

Facebook Comments