May nakaabang na trabaho sa tourism sector para Overseas Filipino Worker (OFWs) na mananatili na lamang sa bansa.
Sa ilalim ng programa ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Tourism (DOT), bibigyan ng libreng pagsasanay ang OFWs at kanilang pamilya tulad ng culinary tourism, farm tourism, homestay operations at tour guiding.
Kapag ang OFW naman ay may experience sa language skills o tourism-related activities, maaari siyang maging resource person sa mga programa ng gobyerno.
Partikular na gagawin ang pagsasanay sa OFWs sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Facebook Comments