OFWs na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon, inaalalayan ng DMW

Inaalalayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Partikular ang OFWs na naipit sa Bacolod-Silay Airport at patungo sana ng Maynila para sa kanilang flight sa abroad.

Gayundin ang OFWs na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at pauwi sana sa kanilang pamilya sa Visayas.


Inatasan na ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac ang mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Region 6 na alalayan ang mga naipit na OFWs.

Facebook Comments