OFWs na nais bumalik sa kanilang trabaho sa abroad, tutulungan ng OWWA

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na patuloy ang kanilang assistance sa Pinoy workers na nasa mga lalawigan ngayon at nais bumalik sa kanilang trabaho sa ibayong dagat.

Ayon sa OWWA, mas malaking tyansa na agad na makabalik sa kanilang trabaho sa abroad ang mga seafarers kung saan ang mga cruise ship ay nagpalit ng mga tauhan.

Gayundin anila ang ng bansa na tumatanggap na muli ng Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos bumaba ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.


Tiniyak naman ng ahensya na tinututukan nila ang mga naka-quarantine na repatriated Pinoy workers partikular ang mga nagdadalantao kung saan regular silang sinusuri ng mga midwife.

Kinumpirma rin ng OWWA na karamihan sa OFWS na  nagpositibo sa COVID-19 ay asymptomatic at mabilis na gumagaling.

Facebook Comments