Makakatanggap ng tulong pinansiyal ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sa bansa mula sa Afghanistan.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, inatasan na sila ni Labor Secretary Silvestre Bello na ibigay ang lahat ng tulong na kakailanganin ng ating mga kababayang uuwi.
Bukod sa ₱10,000 na tulong pinansiyal, makakatanggap din ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng ₱20,000 ang mga OFWs at scholarship grant.
Una nang dumating sa bansa ang 35 OFWs at kasalukuyang nasa quarantine habang nasa higit 90 pa ang inaasahang uuwi sa pamamagitan ng chartered flights.
Facebook Comments