Nagpaalalang muli ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na miyembro nito kaugnay sa rebate program na kanilang binabayaran membership sa ahensya.
Ayon sa OWWA, sa naturang programa ay ibinabalik sa mga OFW ang porsyento ng kanilang naiambag sa binabayarang membership fee kada dalawang taon sa mga miyembrong sampung taon na o higit pa hanggang December 31, 2017.
Bukod pa rito ay dapat nakapagbayad din ng lima o higit pang membership contribution; hindi kailanman nakatanggap ng programa o serbisyo ng OWWA ang OFW o kaniyang pamilya; kung nasawi naman ang kwalipikadong OFW, ang legal beneficiary ang makakatanggap ng rebate.
Pinaalalahanan naman ang mga miyembro na ang naturang rebate ay hindi cashback o refund, ‘kundi porsyento lamang ng kabuuang halaga ng kanilang kontribusyon.
Para sa mga kaukulang requirements sa nasabing programa ay maaaring bisitahin ang official Facebook page ng ahensya.