Tumaas sa $2.80 billion ang antas ng ipinapadalang pera ng mga overseas Filipino sa Pilipinas noong Marso.
Ito ay mas mataas ng 5.6% kumpara sa $2.65 billion na naitala sa kaparehas na panahon noong 2020.
Nakikitang dahilan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa magandang remittance ay ang pagdami ng deployment ng mga Pinoy kasunod ng mas pinaluwag na travel restrictions at mabilis na rollout ng COVID-19 vaccine sa mga mayayamang bansa.
Sa kabuuan, nakapagtala ang BSP ng $8.45 billion sa unang kwarter ng 2021 na halos 3 percent na mas mataas sa $8.21 billion na naitala noong first quarter ng 2020.
Facebook Comments