OFWs sa Hong Kong, ikinalugod ang gagawing imbestigasyon ng Kongreso sa mahabang pila sa pag-scan ng E-travel card sa NAIA

Ikinalugod ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang gagawing imbestigasyon ng Kongreso sa mahabang pila ng mga pasahero lalo na ng returning OFWs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay dahil sa mabagal na pag-scan sa kanilang E-arrival card na dating One Health Pass.

Sa naging pahayag kasi noon ng Department of Health (DOH), nangako ito na mas magiging madali ang E-arrival card kaysa sa dating One Health Pass.


Ayon sa Filipino Community sa Hong Kong, malaking abala ito lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mas malaki pang volume ng OFWs at Pinoy balikbayan habang papalapit ang Pasko.

Una nang inatasan ng House Committee on Transportation ang DOH-Bureau of Quarantine at Manila International Airport Authority (MIAA) na alamin ang dahilan ng mahabang pila sa pagproseso ng E-arrival card sa NAIA terminals.

Ito ay matapos na makita mismo ng mga mambabatas ang mahabang pila sa counters ng Bureau of Quarantine sa NAIA.

Facebook Comments