OFWs sa Hong Kong, ipinanawagan ang pagbasura sa OEC

Nanawagan ang ilang lider ng iba’t ibang organisasyon sa Hong Kong Filipinos for Justice and Peace patungkol pa rin sa Overseas Employment Certificate o OEC.

Kung saan binigyang diin ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang pagbasura ng OEC kung saan ilang taon nang pinaglalaban ito ng grupo sa pangunguna ng United Filipinos in Hong Kong (UNIFIL-Migrante HK) para sa ikalawang taon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Hiniling din ng mga OFW sa Hong Kong ang pag-alis ng sapilitang bayarin tulad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Pag-ibig at Social Security System (SSS) contribution na ayon lamang sa kagustuhan ng indibiduwal at hindi sapilitan na gawing batas para sa lahat.


Samantala, nanawagan rin ang mga Pinoy Workers para sa mga OFWs sa pamamagitan ng pagdagdag ng kaukulang budget na nakatalaga sa opisina ng mga Konsulado at embahada ng Pilipinas para sa pagbigay ng tulong at suporta sa mga nanganailangang OFW.

Facebook Comments