OFWs sa Hong Kong, lumahok na rin sa protesta para igiit ang pagbasura sa overseas employment certificate

Sumama na rin ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong sa mga nananawagan na ibasura ang overseas employment certificate.

Nag-rally sa harap ng Philippine Consulate General sa Hong Kong (PCG) ang Filipino Migrants Workers Union (FMWU) kung saan inilahad nila ang hirap sa pagkuha ng overseas employment certificate.

Sa ngayon, 33 organisasyon ng OFWs sa iba’t ibang bansa ang nananawagan na alisin na ang OEC.


Ayon kay Zenaida Asuncion, lider ng samahan, malaking pahirap ito sa kanila dahil inaabot sila ng 3 araw sa pagpila para lamang makakuha ng OEC.

Isa sa nakapilang OFW sa Philippine Consulate sa Hong Kong na namatayan ng ama ang naging emosyonal dahil hindi siya agad makakauwi ng Pilipinas dahil wala pa siyang overseas employment certificate.

Facebook Comments