OFWs sa Israel, patuloy pa ring makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan kahit maluwag na ang security measures doon

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Department of Migrant Workers o DMW ng tulong sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel na apektado ng kaguluhan sa Middle East.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac at Undersecretary Felicitas Q. Bay ang tulong ay mula sa Migrant Workers Office at Philippine Embassy sa Tel Aviv.

Kabilang pa rin sa tulong na ibinibigay ang repatriation efforts para mapauwi na sa bansa ang mga apektadong OFWs.

Ito ay sa kabila ng pagbababa ng Department of Foreign Affairs o DFA ng Alert Level 2 mula sa dating Level 3.

Sinabi ni Cacdac na kahit ano pang alert level ang nakataas sa naturang bansa ay asahan ng mga Pilipino ang tuloy-tuloy na tulong mula sa pamahalaan.

Facebook Comments