Umaabot na sa 185 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon ang humihiling na mapauwi ng Pilipinas.
Sa harap ito ng tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah group ng Lebanon.
Kinumpirma rin ng Department of Migrant Workers (DMW) na bukod sa anim na OFWs na dumating sa bansa mula Lebanon, mayroon pang 35 repatriates doon na pinoproseso na rin para makauwi ng Pilipinas.
Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, nagkakaroon lamang ng pagbagal sa repatriation ng OFWs sa Lebanon dahil karamihan sa Pinoy roon ay domestic workers.
Aniya, kailangan muna nilang kausapin isa-isa ang employers ng OFWs bago sila mabigyan ng Immigration exit clearance doon.
Una nang dumating sa bansa ang apat na Pinoy repatriates mula sa Lebanon.
Facebook Comments