OFWs sa Macau, pinayuhang tumalima sa isang linggong restriction sa paglabas ng tirahan

Photo Courtesy: Reuters

Pinayuhan ng Philippine Consulate General sa Macau ang mga Pilipino doon na tumalima sa isang linggong restriction sa paglabas ng tirahan.

Ito ay epektibo mula kahapon, July 11 hanggang sa July 18,2022 kung saan ang maaari lamang na lumabas ay ang may mga importanteng bibilihin tulad ng pagkain at gamot.

Layon nito na mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 doon.


Una nang naglabas ng executive order ang Macau hinggil sa pagpapatupad ng suspension sa non-essential activities.

Sa ilalim ng nasabing executive order, lahat ng industriya at commercial companies sa Macau ay obligadong mag suspinde ng kanilang operasyon maliban sa mga nasa negosyo na may produkto o serbisyo na essential sa komunidad.

Facebook Comments