OFWs sa Qatar, kumpiyansang huhupa ang sitwasyon sa Middle East kasunod ng pagkalas ng alyansa sa Qatar, ng Gulf countries

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang OFWs sa Qatar na babalik din sa normal ang sitwasyon doon matapos ang pagputol ng Gulf countries sa kanilang ugnayan sa Qatar.

Sinabi sa DZXL RMN News ni Carlo Yan, OFW sa Doha na noong 2014 ay nangyari na rin ang ganitong sitwasyon subalit naayos naman ito at hindi nauwi sa kaguluhan.

Muli namang umapela ang OFWs sa Qatar na wag i-exaggerate ang sitwasyon dahil maayos ang kanilangkalagayan doon.


Sa ngayon, mahigit 250 thousand ang mga Pilipino sa Qatar.
DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments